Maikling Impormasyon—Palestinian Territories
Mula pa noong 1919, may mga Saksi ni Jehova na sa lugar na tinatawag ngayong Palestinian Territories. Noong 1920, nagtatag sila ng kongregasyon sa Ramallah, at noong 1942 naman, naitatag ang ikalawang kongregasyon malapit sa Betlehem. Dahil sa Palestinian war noong 1948, nahati ang lupain sa dalawa: Ang unang bahagi ay naging ang bagong bansang Israel, at ang isa naman ay naging kontrolado ng Jordan. Sa loob ng halos 20 taon, walang komunikasyon ang mga Saksi sa Israel at sa Palestinian Territories. Pagkatapos ng Six-Day War noong 1967, naibalik ang komunikasyon, at may kalayaan na ulit ang mga Saksi na magtipon at magsagawa ng kanilang relihiyosong mga gawain sa West Bank.
Kahit sinisikap ng mga Saksi ni Jehova sa Palestinian Territories na legal silang mairehistro, ibinabasura ng mga awtoridad ang kanilang aplikasyon. Nagagawa pa rin ng mga Saksi na magtipon-tipon para sumamba at naibabahagi nila ang kanilang paniniwala, pero dahil hindi sila legal na nakarehistro, ipinagkakait sa kanila ang ilang karapatan bilang mamamayan. Patuloy nilang sinisikap na makamit ang kanilang karapatan at legal na mairehistro.