DISYEMBRE 2, 2016
PANAMA
Central America Hinagupit ng Mapangwasak na Bagyo
Noong Nobyembre 23, 2016, ang Bagyong Otto ay nagdulot ng malalakas na pag-ulan, pagbaha, at mapaminsalang landslide sa Costa Rica, Nicaragua, at Panama, kung kaya libo-libo ang kinailangang lumikas. Ayon sa inisyal na mga report, walang Saksi ni Jehova ang namatay o nasaktan sa Costa Rica at Nicaragua. Pero nakalulungkot na sa Panama, isang Saksi ni Jehova ang nasaktan, at isang mag-asawang Saksi ang namatay dahil sa landslide. Ang mga Saksi ay naglalaan ng espirituwal at praktikal na tulong sa mga naapektuhan ng sakuna.
Sinusubaybayang mabuti ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang sitwasyon mula sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan sa New York. Kung kailangan, bibigyan nila ng pahintulot ang mga disaster relief committee sa rehiyong iyon na gumamit ng pondo mula sa mga donasyon sa kanilang pandaigdig na gawaing pagmiministeryo.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, 1-845-524-3000
Costa Rica: Pedro José Novoa Vargas, 506-8302-8499
Nicaragua: Guillermo José Ponce Espinoza, 505-8856-1055
Panama: Dario Fernando De Souza, 507-6480-3770