Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 1, 2020
PAPUA NEW GUINEA

Bagong Sanlibutang Salin, Inilabas sa Hiri Motu

Bagong Sanlibutang Salin, Inilabas sa Hiri Motu

Inilabas ni Brother Kegawale Biyama, miyembro ng Komite ng Sangay sa Papua New Guinea, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Hiri Motu. Inirekord ang programa sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Port Moresby at ipinapanood ito sa mga kapatid noong Nobyembre 28, 2020. Mahigit 7,000 ang nakapanood.

Ang Papua New Guinea ang bansang may pinakamaraming wika sa mundo—nasa mga 840 ang wikang sinasalita dito. Ang Hiri Motu ang isa sa tatlong opisyal na wika ng bansa. Mga 140,000 ang gumagamit nito.

Sinabi ni Brother Kukuna Jack, miyembro ng Komite ng Sangay: “Matagal nang inaabangan ng mga nagsasalita ng Hiri Motu ang Bibliyang ito. Alam naming magugustuhan nila ang Bagong Sanlibutang Salin kasi madali itong maintindihan.”

Anim na translator ang humawak sa proyektong ito sa loob ng 10 taon. Sinabi ng isang translator: “Siguradong matutuwa ang mga mambabasa kapag nakita nila ang pangalan ng Diyos sa Bibliyang ito mula Genesis hanggang Apocalipsis. Nagpapasalamat kami kay Jehova sa regalong ito!”

Kapag naiisip natin kung paano ginawa ang bagong salin na ito, naaalala natin ang sinabi ni propeta Isaias: “O Jehova, tiyak na bibigyan mo kami ng kapayapaan, dahil ang lahat ng naisagawa namin ay nagawa namin sa tulong mo.”—Isaias 26:12.