Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 20, 2019
PARAGUAY

Bagong Sanlibutang Salin—Inilabas ng mga Saksi ni Jehova sa Guarani

Bagong Sanlibutang Salin—Inilabas ng mga Saksi ni Jehova sa Guarani

Inilabas ng mga Saksi ni Jehova ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Guarani sa panrehiyong kombensiyon na naka-broadcast mula sa awditoryum ng Bethel sa Capiatá, Paraguay, noong Agosto 16, 2019. Si Brother Daniel González, miyembro ng Komite ng Sangay sa Paraguay, ang naglabas nito sa unang araw ng kombensiyon. Naka-video stream ito sa 13 lokasyon, kaya ang nakadalo sa paglalabas na ito ng Bibliya ay 5,631.

Kahit maraming tao ang nagsasalita ng Spanish sa Paraguay, tinatayang 90 porsiyento ng populasyon ang nagsasalita rin ng Guarani, isang katutubong wika. Kaya ang Paraguay lang ang bansa sa Latin America na ang karamihan ay nagsasalita ng iisang katutubong wika.

Isa sa mga tumulong sa gawaing pagsasalin ang nagsabi na bago pa magkaroon ng saling ito, maraming kapatid ang nananalangin kay Jehova sa wikang Guarani. Ipinaliwanag niya: “Makikipag-usap na si Jehova sa amin sa Guarani. Talagang mahal kami ni Jehova at binibigyang-dangal. Ngayon, mas ramdam ko na talagang Ama ko si Jehova.”

Siguradong malaking tulong ang Bibliyang ito sa 4,934 na kapatid na nagsasalita ng Guarani sa Paraguay para mas mapahalagahan at mahalin nila si Jehova at ang organisasyon niya. Nagtitiwala tayo na makakatulong ang saling ito sa mga mambabasa na mas malaman ang kaisipan ng ating Diyos.—Awit 139:17.