Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 19, 2019
PERU

Pinalawak ng mga Saksi ni Jehova ang Kanilang Pampublikong Pagpapatotoo sa Lugar ng Malaking Palaro

Pinalawak ng mga Saksi ni Jehova ang Kanilang Pampublikong Pagpapatotoo sa Lugar ng Malaking Palaro

Mga 3,000 kapatid ang nakikibahagi sa special public witnessing sa lugar na pinagdarausan ng Pan American Games at Parapan American Games sa Lima, Peru. Ang palaro, na nagsimula noong Hulyo 26, 2019, at magtatapos sa Setyembre 1, ay may mahigit 8,500 atleta, at mahigit 250,000 turista ang inaasahang darating.

Naglagay ang mga kapatid ng 100 cart sa 53 lokasyon para makapangaral sa maraming bisita. May mga literatura sa wikang Aymara, English, French, Portuguese, Quechua (Ayacucho), at Spanish. Ang mga cart ay mayroon ding mga video sa Peruvian Sign Language para sa mga bisitang bingi at mahina ang pandinig.

Sinabi ni Brother Kemps Moran Hurtado, na tumutulong para maorganisa ang kampanyang ito: “Sa pagpapatotoong ito, iba-iba ang lahi at kultura ng mga taong mapapangaralan natin, dahil ang palarong ito ay pupuntahan ng mga tao sa buong daigdig. Napakahalaga ng pampublikong pagpapatotoo sa gawain natin ng pagtuturo ng Bibliya. Sa gawaing ito, makikita ng mga tao ang mga Saksi ni Jehova na nangangaral sa mga pampublikong lugar.”

Gusto na nating marinig ang resulta ng pinalawak na gawaing ito. Nagtitiwala tayong patuloy na pagpapalain ni Jehova ang mga kapatid natin sa Peru habang patuloy silang nangangaral saanman may tao.—Gawa 17:17.