ABRIL 12, 2023
PERU
Sinalanta ng Bagyong Yaku ang Peru
Sinalanta ng bagyong Yaku ang hilagang Peru noong Marso 2023. Pagkatapos ng dalawang araw na pagbaha at mga mudslide, idineklara ang state of emergency sa hilaga at gitnang mga rehiyon ng bansa. Sinira ng pagbaha ang mga bahay, tulay, at highway kaya naging mahirap para sa mga tao na lumikas.
Epekto sa mga Kapatid
Walang kapatid na namatay
2 kapatid ang nasugatan
106 na kapatid ang lumikas
70 bahay ang matinding napinsala
130 bahay ang bahagyang napinsala
5 Kingdom Hall ang matinding napinsala
5 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala
Relief Work
Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga nakatira sa apektadong mga lugar
3 Disaster Relief Committee ang inatasan para pangasiwaan ang relief work
Nagtitiwala tayo na tinutulungan ni Jehova ang mga kapatid natin sa Peru na maging “masaya habang tinitiis ang lahat ng bagay.”—Colosas 1:11.