Pumunta sa nilalaman

MARSO 30, 2017
PERU

Peru: Mga Pagbaha at Landslide

Peru: Mga Pagbaha at Landslide

Ang malakas na pag-ulan ay nagdulot ng pagbaha at mga landslide sa 24 sa kabuoang 25 rehiyon sa Peru, at ipinakikita ng mga report na inaasahang magpapatuloy pa ang kalagayang ito. Sampung beses ng karaniwang dami ng tubig-ulan ang bumuhos sa bansa nitong nakaraang tag-ulan (Disyembre hanggang Marso). Tinutulungan ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga kapananampalataya, at pati ang iba pang mga biktima ng sakuna.

Mahigit 530 tahanan ng mga Saksi ni Jehova ang napinsala ng baha, bukod pa sa 6 na lugar ng pagsamba (mga Kingdom Hall). Iniuulat na sa bayan ng Huarmey, na 288 kilometro (mga 179 na milya) ang layo mula sa Lima, maraming Saksi ang na-stranded sa bubong ng kanilang bahay dahil sa baha.

Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Peru ay bumuo ng walong disaster relief committee para mag-asikaso sa mga Saksi sa apektadong mga lugar, kasama na ang 12 rehiyon na idineklara ng gobyerno na nasa state of emergency. Nagpadala na ang mga relief committee ng 22 toneladang pagkain at mahigit 22,000 litro (6,000 galon) ng inuming tubig sa mga biktima. Magpapadala pa sila ng 48 toneladang pagkain at mahigit 9,000 litro (2,400 galon) ng inuming tubig sa susunod na mga linggo. Daan-daang Saksi sa Peru ang nagboluntaryong tumulong sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga napinsalang ari-arian.

Inoorganisa ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang pagtulong sa mga biktima ng sakuna mula sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan, gamit ang mga pondong iniabuloy sa pandaigdig na gawaing pagmiministeryo ng mga Saksi.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Peru: Norman R. Cripps, +51-1-708-9000