Pumunta sa nilalaman

Dalawang kinatawan ng Embahada ng Thailand (gitnang kanan) noong dumalaw sila sa tanggapang pansangay ng Peru; kasama nila ang mga miyembro ng tanggapang pansangay at mga lokal na Saksi.

OKTUBRE 9, 2018
PERU

Ipinahayag ng Embahada ng Thailand ang kanilang “Taimtim na Pagpapahalaga at Paghanga” sa mga Saksi ni Jehova sa Peru sa Pagtulong sa mga Bilanggong Thai

Ipinahayag ng Embahada ng Thailand ang kanilang “Taimtim na Pagpapahalaga at Paghanga” sa mga Saksi ni Jehova sa Peru sa Pagtulong sa mga Bilanggong Thai

Bumisita ang mga kinatawan ng Embahada ng Thailand sa Peru noong Hunyo 26, 2018 sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova, na nasa Lima, ang kabiserang lunsod. Gusto nilang pasalamatan ang ating mga kapatid sa pagtulong sa mga mamamayang Thai na nakabilanggo sa Peru.

Mula pa noong 2007, dumadalaw na sa mga bilangguan ang mga Saksi ni Jehova sa Peru para magturo ng Bibliya. Pero simula noong 2013, dinadalaw din ng mga kapatid maging ang mga bilanggong Thai. Dahil humanga ang konsul ng Thailand sa pagtulong ng mga kapatid, kinontak niya ang tanggapang pansangay para makadalaw sila rito.

Mga kapatid na palabas ng bilangguan matapos turuan ang mga bilanggo tungkol sa Bibliya.

Ang grupo ng mga dumalaw mula sa embahada ay binubuo nina Mr. Angkura Kulvanij, chargé d’affaires a.i.; Mr. Pathompong Singthong, first secretary/consul; at Ms. Pradthana Pongudom, consular assistant. Sa kanilang pagtu-tour, kasama ang mga miyembro ng Komite ng Sangay, naging pamilyar sila sa gawaing pagsasalin, kabilang na ang pagsasalin ng ating mga publikasyon sa siyam na katutubong wika.

Pinapanood ng mga kinatawan ng Embahada ng Thailand ang isang brother habang nagsasalin ng publikasyon sa Peruvian Sign Language.

Mababasa sa opisyal na sulat na tinanggap ng tanggapang pansangay mula sa embahada ang kanilang “taimtim na pagpapahalaga at paghanga” sa kasipagan ng mga kapatid na tumulong sa “mahihirap sa Peru, anuman ang kanilang relihiyon o kultura.” Pinuri ng embahada ang “pagpapagal at tulong ng mga miyembro ng Association of Jehovah’s Witnesses, sa tanggapan sa Peru, para mapaginhawa ang mga taong naghihirap at mapaganda ang buhay ng mga bilanggong Thai.”

Ang karanasan ng mga kapatid natin sa Peru ay nagpapakita ng magagandang resulta ng ating patuloy na pangangaral ng mensahe ng Bibliya sa lahat ng uri ng mga tao.—1 Corinto 9:22.