Pumunta sa nilalaman

HUNYO 22, 2021
PILIPINAS

“Bagong Sanlibutang Salin,” Inilabas ng mga Saksi ni Jehova sa Wikang Bicol

“Bagong Sanlibutang Salin,” Inilabas ng mga Saksi ni Jehova sa Wikang Bicol

Noong Hunyo 20, 2021, inilabas ang digital format ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Bicol. Si Brother Denton Hopkinson, miyembro ng Komite ng Sangay sa Pilipinas, ang naglabas ng Bibliya sa isang espesyal na virtual meeting. Naka-stream ito sa mga kapatid sa 97 kongregasyon.

Mahahalagang Impormasyon Tungkol sa Proyekto

  • May mga 5.8 milyong tao na nagsasalita ng Bicol sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay nakatira sa limang probinsiya sa Pilipinas: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, at Sorsogon

  • Ito ang ikalimang wika sa Pilipinas na may pinakamaraming nagsasalita

  • Mahigit 5,800 kapatid ang naglilingkod sa mga kongregasyon na Bicol ang wika

  • Natapos ng dalawang translation team ang proyekto sa loob ng 7.5 taon

Sinabi ng isang miyembro ng translation team: “Dahil may iba’t ibang diyalekto ang Bicol, nagsikap kami para magamit ang mga salitang naiintindihan ng karamihan sa mga nagsasalita nito.”

Isa pang translator ang nagsabi: “Nagtitiwala kaming mas madaling maiintindihan ng mga mambabasa ang mga teksto sa Bibliya sa bersiyong ito na may malinaw at modernong wika.”

Sa Pilipinas, ang kumpleto at nirebisang salin ng Bagong Sanlibutang Salin ay available na sa anim na iba pang wika: Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Pangasinan, Tagalog, at Waray-Waray.

Nakikisaya tayo sa ating mga kapatid na nagsasalita ng Bicol. Nagtitiwala tayong makakatulong ang Bibliyang ito sa mga tao para purihin si Jehova at ‘mabuhay magpakailanman.’—Awit 22:26.