AGOSTO 5, 2024
PILIPINAS
Bagyong Carina, Nagdulot ng Matinding Pagbaha sa Pilipinas
Bago matapos ang Hulyo 2024, nabuo ang Bagyong Carina a sa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Hindi nakapasok sa Pilipinas ang bagyo, pero pinatindi nito ang hanging habagat na may dalang matinding pag-ulan. Nagdulot ito ng mga pagbaha, landslide, at pinsala sa Maynila at kalapit na mga lugar. Tinatayang 4.8 milyon katao ang naapektuhan. Mahigit 600,000 ang lumikas, at di-bababa sa 39 ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Walang kapatid na namatay o nasaktan
155 kapatid ang lumikas, pero karamihan sa kanila ay nakauwi na
2 bahay ang nawasak
11 bahay ang nasira nang husto
42 bahay ang bahagyang nasira
11 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Relief Work
6 na Disaster Relief Committee ang inatasang mag-organisa ng relief work
Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan ng pagbaha
Patuloy nating ipanalangin ang mga naapektuhan ng bagyo. Nagpapasalamat tayo kay Jehova dahil sinusuportahan at pinapangalagaan niya ang mga kapatid para ‘mapatatag sila.’—Isaias 33:6.
a Ang bagyong ito ay may internasyonal na pangalang Gaemi.