Pumunta sa nilalaman

Nagkaroon ng mga landslide, nasira ang mga kalsada, at nawasak ang mga bahay dahil sa Bagyong Kristine

OKTUBRE 31, 2024
PILIPINAS

Hinagupit ng Bagyong Kristine ang Pilipinas

Hinagupit ng Bagyong Kristine ang Pilipinas

Noong Oktubre 21, 2024, sinalanta ng Bagyong Kristine a ang Pilipinas. Nang tumindi ang bagyo sa gawing hilaga ng bansa, nagdala ito ng malakas at pabugso-bugsong hangin na may bilis na hanggang 160 kilometro kada oras. Nagdulot din ito ng malawakang pagbaha at mga landslide. Dahil dito, nasira ang mga bahay at mga kalsada; nawalan din ng tubig at kuryente. Sa mahigit anim na milyong nakatira sa naapektuhang lugar, mga isang milyon ang lumikas. Di-kukulangin sa 126 katao ang namatay.

Epekto sa mga Kapatid

  • Nakakalungkot, isang sister ang namatay

  • 747 mamamahayag ang lumikas

  • 7 bahay ang nawasak

  • 24 na bahay ang matinding napinsala

  • 128 bahay ang bahagyang napinsala

  • 8 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala

Relief Work

Tinutulungan ng mga kapatid ang mga naapektuhan ng bagyo sa Laurel, Batangas, Pilipinas

  • Pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyo at nagbigay sila ng tulong

  • 5 Disaster Relief Committee ang inorganisa para pangasiwaan ang pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo

Nalulungkot tayo na may mga namatay dahil sa bagyo at nag-iwan ito ng matinding pinsala. Pero napapatibay tayo at nabibigyan ng pag-asa ng pangako sa Bibliya na mawawala na ang mga bagay na ito magpakailanman.—Isaias 25:8.

a Trami ang internasyonal na pangalan ng matinding bagyo na tumama sa Pilipinas.