Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 12, 2020
PILIPINAS

Hinagupit ng Dalawang Bagyo ang Ilang Bahagi ng Pilipinas

Hinagupit ng Dalawang Bagyo ang Ilang Bahagi ng Pilipinas

Lokasyon

Timog na bahagi ng Luzon at mga katabing isla

Sakuna

  • Noong Oktubre 25, 2020, hinagupit ng Bagyong Molave, na tinatawag ding Quinta sa Pilipinas, ang probinsiya ng Albay sa rehiyon ng Bicol sa Luzon sa Pilipinas. Nanalanta rin ang bagyong ito sa iba pang bahagi ng Luzon

  • Noong Nobyembre 1, 2020, nag-landfall sa Catanduanes, isa pang isla sa Bicol sa rehiyon ng Luzon, ang Super Typhoon na si Goni, na tinatawag ding Rolly sa Pilipinas. Patuloy na humagupit ang Category 5 na bagyong ito sa iba pang probinsiya, na ang ilan ay hindi pa nakakabangon mula sa Bagyong Molave

  • Nagdala ang dalawang bagyong ito ng malalakas na ulan at hangin, kaya nagkaroon ng baha, nawalan ng kuryente sa maraming lugar, at nagkaubusan ng tubig. Hanggang ngayon, hiráp pa ring makontak ang mga apektadong lugar

  • Dahil sa matinding pag-ulan, naglabas ng lahar ang Bulkang Mayon na sumira ng maraming bahay na malapit sa bulkan

Epekto sa mga kapatid

  • Daan-daang kapatid ang inilikas

  • Isang sister, na ang edad ay 89, ang nasugatan habang lumilikas sa bahay niyang nawasak

Pinsala sa ari-arian

  • 134 na bahay at 8 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala

  • 75 bahay at 8 Kingdom Hall ang nagkaroon ng malaking pinsala

  • 101 bahay at 1 Kingdom Hall ang nawasak

Relief work

  • Nakikipagtulungan ang mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder doon sa anim na Disaster Relief Committee para mailaan ang pagkain, tubig, matutuluyan, at iba pang kailangan ng mga kapatid. Sinusunod ng mga kapatid ang mga tagubilin tungkol sa COVID-19 habang tinutulungan at pinapatibay ang iba pang mga kapatid

Patuloy nating ipinapanalangin ang mga kapatid nating naapektuhan ng mga sakunang ito. Sa mahirap na panahong ito, alam nating patuloy silang tutulungan ni Jehova, “ang Ama . . . at ang Diyos na nagbibigay ng kaaliwan sa anumang sitwasyon.”​—2 Corinto 1:3.