DISYEMBRE 13, 2019
PILIPINAS
Ilang Bahagi ng Pilipinas, Sinalanta ng Bagyo
Noong Disyembre 2, 2019, ang Bagyong Kammuri, na tinawag sa Pilipinas na Bagyong Tisoy, ay nag-landfall sa Bicol na nasa timog ng Luzon. Walang Saksi ni Jehova na namatay o nasugatan, pero 108 bahay ng mga Saksi ang nawasak at 478 ang bahagyang napinsala. Mayroon ding 15 Kingdom Hall na napinsala.
Dahil sa matinding pinsalang idinulot ng bagyo, bumuo ang sangay sa Pilipinas ng walong Disaster Relief Committee para magbigay ng espirituwal at materyal na tulong sa mga kapatid.
Ipinapanalangin natin ang ating mga kapatid sa Pilipinas, at hinihiling natin ang gaya ng hiniling ng salmista: “Sagutin ka nawa ni Jehova sa araw ng pagdurusa. . . . Padalhan ka nawa niya ng tulong mula sa banal na lugar.”—Awit 20:1, 2.