AGOSTO 14, 2019
PILIPINAS
Malakas na Pag-ulan sa Pilipinas Dala ng Habagat
Noong unang mga linggo ng Agosto 2019, nagkaroon ng malalakas na ulan at hangin sa Pilipinas dala ng habagat, na nagdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa. Nakakalungkot, isang brother na naglilingkod bilang temporary special pioneer ang namatay dahil sa pagguho ng lupa sa Natonin, Mountain Province. Isa pang brother, na temporary special pioneer din, ang nasaktan sa insidenteng iyon. Sa isa pang insidente, isang 10-taóng-gulang na batang lalaki ang nasaktan sa mga debri, pero binigyan na siya ng medikal na tulong.
Walang bahay ng kapatid ang malubhang napinsala. Pero sa isang Kingdom Hall sa Negros Occidental, bumagsak ang isang bahagi ng kisame sa lakas ng hangin.
Ang tanggapang pansangay sa Pilipinas at lokal na tagapangasiwa ng sirkito ay nagbibigay ng espirituwal at emosyonal na tulong sa pamilya ng mga naapektuhang kapatid.
Nalulungkot tayong mabalitaan ang pagkamatay ng mahal nating kapatid at nananalangin tayo para sa mga nagdadalamhati niyang kapamilya at kaibigan. Pinananabikan na natin ang panahon kung kailan ang masasakit na pangyayari ay “hindi na maaalaala pa.”—Isaias 65:17.