NOBYEMBRE 8, 2019
PILIPINAS
Manila, Pilipinas—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Nobyembre 1-3, 2019
Lokasyon: Mall of Asia Arena at SMX Convention Center sa Manila, Pilipinas
Wika ng Programa: English, Tagalog
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 26,245
Bilang ng Nabautismuhan: 145
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 5,397
Mga Sangay na Imbitado: Australasia, Central Europe, France, Indonesia, Italy, Japan, Kazakhstan, Madagascar, Malaysia, Myanmar, Papua New Guinea, Solomon Islands, South Africa, Sri Lanka, Taiwan, Thailand, United States
Karanasan: Sinabi ni Rogelio Jolongbayan, regional manager ng customer relations para sa Mall of Asia Arena: “Kayo ang pinakadisiplinadong grupo na nakatrabaho namin. Nag-enjoy kaming makasama kayo sa arena.”
Sinabi ni Nolasco Bathan, brigadier general at district director ng southern police district: “Nakapila nang maayos ang mga delegado habang pumapasok sa venue. Kapag ganito kaorganisado ang mga tao, hindi na kami kailangan dito!”
Si Teofilo Labe Jr., assistant security manager ng Manila Hotel, ay inatasang mag-monitor ng pag-alis ng mga delegado para sa mga tour nila. Sinabi niya: “Kung ipapa-rate sa akin ng management kung gaano kaorganisado ang pag-alis n’yo sa hotel, . . . mas mataas pa sa ‘excellent’ ang ibibigay ko sa inyo. Napakaorganisado ng grupo n’yo.”
Ang mga delegado ay masayang tinatanggap ng mga kapatid sa Bethel
Mga kapatid na namamahagi ng imbitasyon bago ang kombensiyon
Bago ang kombensiyon, apat na kinatawan ng sangay ang ininterbyu sa isang press conference
Mga dumalong kapatid na nasa labas ng venue
Nagpa-picture ang mga delegado at mga kapatid na tagaroon
Mga kapatid sa kombensiyon habang kumakanta ng Kingdom song
Dalawang bagong kapatid na nabautismuhan noong Sabado
Si Brother Mark Sanderson, miyembro ng Lupong Tagapamahala, sa huling pahayag noong Sabado
Ang mga delegadong nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na nasa stage at sa palibot nito kasama si Brother Sanderson sa huling araw ng kombensiyon
Sa evening gathering, sinayaw ng mga kapatid ang Tinikling, isang tradisyonal na sayaw sa Pilipinas