Pumunta sa nilalaman

Mga bahay ng mga kapatid na nasunog sa Taguig, Metro Manila

MAYO 21, 2019
PILIPINAS

Mga Bahay sa Pilipinas—Nilamon ng Apoy

Mga Bahay sa Pilipinas—Nilamon ng Apoy

Noong Marso 2019, nasunog ang 128 bahay sa lunsod ng Calbayog sa isla ng Samar. Bago ang buwang iyon, nagkaroon din ng mga sunog sa lunsod ng Taguig sa isla ng Luzon. Lahat-lahat, pitong bahay ng mga Saksi ni Jehova ang nawasak sa mga sunog na ito. Ang mga kapatid natin na nawalan ng bahay ay kasalukuyang tumutuloy sa bahay ng ibang Saksi.

Agad na gumawa ng mga kaayusan ang tanggapang pansangay para makapagpadala ng pagkain, tubig, at damit sa mga biktima. Dinalaw at pinatibay ng mga elder doon ang naapektuhang mga kapatid, at naglaan sila ng praktikal na tulong. Dalawang Disaster Relief Committee, sa tulong ng Local Design/Construction, ang naghahanda para muling maitayo ang bahay ng mga kapatid natin.

Nagtitiwala tayo na si Jehova ay patuloy na magiging kanlungan ng mga kapatid natin na naapektuhan ng mga sunog na ito.—Awit 62:8.