NOBYEMBRE 23, 2020
PILIPINAS
Mga Lugar sa Pilipinas na Sinalanta Na ng Malalakas na Bagyo, Hinagupit Ulit ng Bagyong Vamco
Lokasyon
Luzon
Sakuna
Noong Nobyembre 11, 2020, hinagupit ng Bagyong Vamco (na tinatawag ding Ulysses sa Pilipinas) ang Patnanungan sa probinsiya ng Quezon, pati na ang maraming lugar sa Luzon
Ang Bagyong Vamco ang ika-21 bagyong tumama sa Pilipinas ngayong taon. Nagdulot ito ng isa sa pinakamatitinding pagbaha sa Pilipinas
Wala pang dalawang linggo bago nito, tumama sa ilang lugar sa Luzon ang Super Typhoon Goni, na naitalang isa sa pinakamalalakas na bagyong sumalanta sa Pilipinas mula 2013
Dahil sa sunod-sunod na bagyo, tumaas nang husto ang level ng tubig sa malalaking dam. Dahil dito, nagpakawala ng tubig ang mga awtoridad kaya binaha rin kahit ang mga lugar na hindi direktang tinamaan ng Bagyong Vamco
Epekto sa mga kapatid
Mahigit 600 pamilya ang inilikas dahil sa baha. Bago ma-rescue, ang ilan sa kanila ay kinailangang umakyat sa bubong para hindi abutan ng baha
Isang kabataang brother ang tinamaan sa mukha ng basag na salamin. Nagpapagaling siya ngayon
Pinsala sa ari-arian
Ayon sa unang mga report:
Di-bababa sa 6 na Kingdom Hall at 1 remote translation office ang binaha
Di-bababa sa 20 bahay ang nasira
1 bahay ang nawasak
Relief work
Nagtulungan ang mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder doon para makapaglaan ng pagkain, tubig, at matutuluyan para sa mga lumikas
Nakabalik na ang ilang pamilya sa bahay nila para linisin ito
3 bagong Disaster Relief Committee ang binuo para organisahin ang relief work
Tinitiyak ng mga brother na nakakasunod pa rin sila sa mga safety protocol ng COVID-19 habang ginagawa ito
Alam nating patuloy na aalalayan ni Jehova ang mga kapatid natin sa mahirap na panahong ito. Inaasam-asam natin ang panahong panatag na at ligtas ang lahat ng lingkod ni Jehova dahil wala nang sakuna.—Awit 4:8.