SETYEMBRE 11, 2019
PILIPINAS
Nagkaroon ng Flash Flood sa Pilipinas
Noong Agosto 28, 2019, umapaw ang Talomo River sa Davao City dahil sa malakas na pag-ulan. Ayon sa gobyerno, mga 545 pamilya ang lumikas dahil sa baha.
Iniulat ng sangay sa Pilipinas na 120 mamamahayag mula sa limang kongregasyon ang naapektuhan nito. Marami sa kanila ang pansamantalang tumira sa Kingdom Hall. Tatlong bahay ng kapatid ang winasak ng baha, at apat naman ang napinsala.
Bumuo ang sangay ng Disaster Relief Committee (DRC) para tulungan ang mga kapatid na naapektuhan. Isinaayos na ng DRC ang pamamahagi ng suplay at inorganisa ang paglilinis ng mga binahang bahay.
Ipinapanalangin nating ang mga kapatid sa Davao City ay patuloy na mapatibay ng pag-ibig Kristiyano sa mahirap na panahong ito.—Roma 12:10.