Pumunta sa nilalaman

Dalawa sa tatlong bahay ng mga Saksi na sinira ng bagyo.

ENERO 22, 2019
PILIPINAS

Sinalanta ng Bagyo ang Silangang Bahagi ng Pilipinas na Nagdulot ng Pagguho ng Lupa at Pagbaha

Sinalanta ng Bagyo ang Silangang Bahagi ng Pilipinas na Nagdulot ng Pagguho ng Lupa at Pagbaha

Noong Disyembre 29, 2018, tumama ang Bagyong Usman sa Samar, ang ikatlong pinakamalaking isla sa Pilipinas. Ang bagyo ay may dalang malakas na ulan, na nagdulot ng pagguho ng lupa at pagbaha. Di-bababa sa 25 katao ang namatay, at 42 ang nasaktan. Lahat-lahat, 22,835 bahay ang nasira.

Ayon sa sangay sa Pilipinas, walang kapatid ang namatay dahil sa bagyo. Pero tatlong bahay ng mga kapatid ang nawasak, at apat ang nagkaroon ng sira. Mayroon ding isang Kingdom Hall na nasira. Sa pangangasiwa ng sangay, ang Disaster Relief Committee ay nagbigay ng relief supply at pansamantalang tirahan sa mga pamilyang naapektuhan.

Tiyak na patuloy na magtitiwala kay Jehova ang mga kapatid nating naapektuhan ng bagyo, dahil alam nilang palalakasin sila ni Jehova at gagawing matibay.—1 Pedro 5:10.