Pumunta sa nilalaman

Nagdulot ng malawakang pagbaha sa Pilipinas ang Bagyong Noru

OKTUBRE 6, 2022
PILIPINAS

Sinalanta ng Bagyong Noru ang Pilipinas

Sinalanta ng Bagyong Noru ang Pilipinas

Noong Setyembre 25, 2022, nag-landfall ang Super Typhoon Noru, na tinawag na Bagyong Karding, sa Polillo Islands, Quezon Province sa Pilipinas. Nag-landfall din ito sa Aurora Province. May average na 195 kilometro kada oras ang lakas ng hangin, at umabot sa 240 kilometro kada oras ang bugso ng hangin. Malaking pinsala ang iniwan ng Bagyong Noru sa kabahayan at imprastraktura at bumaha sa maraming lugar.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang kapatid na namatay

  • 180 pamilya ang lumikas

  • 209 na bahay ang bahagyang napinsala

  • 20 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala

  • 22 bahay ang nawasak

  • 7 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala

  • 1 Kingdom Hall ang nagkaroon ng malaking pinsala

Relief Work

  • 2 Disaster Relief Committee ang inatasang mangasiwa sa relief work

  • Dumadalaw ang lokal na mga elder para patibayin ang mga kapatid at magbigay ng praktikal na tulong

  • Sinusunod ng lahat ng nasa relief work ang mga tagubilin sa safety para sa COVID-19

Patuloy nating ipinapanalangin ang mga kapatid na nasalanta ng bagyo dahil kay Jehova sila umaasa.—Awit 57:1.