Pumunta sa nilalaman

ENERO 2, 2020
PILIPINAS

Sinalanta ng Bagyong Phanfone ang Pilipinas

Sinalanta ng Bagyong Phanfone ang Pilipinas

Nag-landfall ang bagyong Phanfone, na tinawag na bagyong Ursula sa Pilipinas, noong Disyembre 24, 2019, sa probinsiya ng Eastern Samar. Walang Saksi ni Jehova ang naiulat na namatay o nasaktan. Pero 464 na bahay ng mga Saksi ang nasira, pati na ang 6 na Kingdom Hall. Bumuo ng limang Disaster Relief Committee ang sangay sa Pilipinas para makapagbigay ng espirituwal at materyal na tulong sa mga kapatid na nasa mga islang naapektuhan ng sakuna.

Ang bagyong Phanfone ang ika-21 bagyo na tumama sa Pilipinas sa taóng 2019. Nito lang, nagkaroon din ng mga lindol sa timugang bahagi ng bansa. Kaya kasalukuyang may 18 Disaster Relief Committee sa bansa.

Nagpapasalamat tayo na ang mga kapatid sa Pilipinas ay patuloy na nagtitiis at nagtitiwala sa ating Diyos na si Jehova, na “napakamapagmahal at maawain.”—Santiago 5:11.