Pumunta sa nilalaman

Isang binahang kalsada sa Aparri, sa Pilipinas. Nakasingit na larawan: Dahil sa malakas na hangin, natumba ang puno sa isang bahay sa Vigan City

AGOSTO 7, 2023
PILIPINAS

Sinalanta ng Super Typhoon Doksuri ang Pilipinas

Sinalanta ng Super Typhoon Doksuri ang Pilipinas

Noong Hulyo 26, 2023 nag-landfall ang Super Typhoon Doksuri, na tinawag ding Egay, sa Aparri, Cagayan, sa hilaga ng Pilipinas. Umabot nang hanggang 220 kilometro kada oras (137 mph) ang dala nitong hangin. Nagkaroon din ng matinding pagbaha sa ilang lugar sa bansa.

Epekto sa mga Kapatid

  • Nakakalungkot, 1 brother ang tinangay ng ilog at namatay

  • 2 bahay ang matinding napinsala

  • 18 bahay ang bahagyang napinsala

  • 1 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala

Relief Work

  • Pinapatibay at tinutulungan ng mga elder doon ang mga nasalanta

Habang hinihintay natin ang panahon na wala nang mga sakuna, nangangako si Jehova na ‘papayapain at papaginhawahin’ niya ang mga nakakaranas ng mga problema.​—Awit 94:19.