MAYO 28, 2020
PILIPINAS
Unang Bagyo sa Pilipinas Ngayong 2020—Bagyong Vongfong
Nag-landfall ang Bagyong Vongfong (Bagyong Ambo) sa isla ng Samar noong Mayo 14, 2020. Ang Samar ay binayo ng Category 3 na bagyo, ang unang bagyo sa 2020 sa Western Pacific Ocean, at may hangin na umaabot nang hanggang 185 kilometro bawat oras. Daan-daang libo katao ang inilikas, na lalong pinahirap ng utos ng gobyerno na social distancing.
Wala sa ating mga kapatid ang nasugatan, pero 59 sa kanila ang nagsilikas. Tumira sila sa mga paaralan, na ginamit bilang mga tuluyan, o sa bahay ng mga kapuwa nila Saksi. May 82 bahay rin ng ating mga kapatid ang nasira o nawasak. Napinsala din ang limang Kingdom Hall, at isa ang nawasak. Ang Komite ng Sangay sa Pilipinas ay bumuo ng dalawang Disaster Relief Committee para tulungan ang ating naapektuhang mga kapatid sa pisikal at espirituwal na paraan.
Patuloy nating ipapanalangin ang ating mga kapatid sa Pilipinas na nagtitiis sa mga epekto ng bagyo at pandemic. Nagtitiwala tayong patuloy silang paglalaanan ni Jehova, ang ating “walang-hanggang Bato.”—Isaias 26:4.