AGOSTO 23, 2017
PILIPINAS
Tinupok ng Apoy ang mga Bahay sa Pilipinas
Noong Agosto 5, 2017, nagkaroon ng malaking sunog sa Agdao, Davao City, na nasa baybayin ng Isla ng Mindanao sa katimugan ng Pilipinas.
Walang Saksi ni Jehova ang namatay, pero 13 bahay ng pamilyang Saksi ang nasunog, na nakaapekto sa 29 na indibiduwal. Ang mga nagsilikas dahil sa sunog ay pinatuloy sa bahay ng mga kapuwa nila Saksi. Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Maynila ay nag-atas ng disaster relief committee para organisahin ang pamamahagi ng relief supplies.
Inoorganisa ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang pagtulong sa mga biktima ng sakuna mula sa kanilang punong-tanggapan, gamit ang mga pondong iniabuloy sa pandaigdig na gawaing pagmiministeryo ng mga Saksi.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Philippines: Dean Jacek, +63-2-224-4444