NOBYEMBRE 12, 2018
PILIPINAS
Sinalanta Rin ng Bagyong Yutu ang Pilipinas
Ang Bagyong Yutu, na sumalanta sa Northern Mariana Islands bilang super typhoon noong Oktubre 24, ay nag-landfall sa Luzon, ang pinakamalaking isla sa Pilipinas, noong Martes, Oktubre 30. Dahil sa malakas na ulan, nagkaroon ng pagbaha at mga pagguho ng lupa. Libo-libo ang lumikas, at 11 ang namatay.
Ayon sa ulat ng sangay sa Pilipinas, wala namang namatay o nasaktang mga kapatid. Pero 6 na Kingdom Hall at 73 bahay ng mga kapatid ang nasira. Pinangangasiwaan ng sangay sa Pilipinas ang pagpapadala ng tulong.
Patuloy nating ipanalangin ang ating mga kapatid sa Pilipinas, na naging biktima ng 18 bagyo sa taóng ito. Nagtitiwala tayong lahat kay Jehova dahil alam nating aalalayan niya tayo.—Awit 55:22.