Pumunta sa nilalaman

Ipinadala sa isang ospital sa Słupca ang hinihiling nilang mga Bibliya at salig-Bibliyang literatura

MARSO 22, 2021
POLAND

Ospital sa Poland—Nagpapasalamat sa mga Saksi ni Jehova

Ospital sa Poland—Nagpapasalamat sa mga Saksi ni Jehova

Ang mga nagtatrabaho sa isang ospital sa Słupca, Poland, ay sumulat ng isang liham ng pasasalamat sa ating mga kapatid sa Warsaw pagkatapos silang bigyan ng mga Bibliya na hiniling nila.

Si Sister Helena Krupa

Maraming pasyenteng may COVID-19 sa ospital. Gusto ng isang kinatawan ng administrasyon ng ospital na magbigay ng nakapagpapatibay na impormasyon at tulong sa mga nagtatrabaho sa ospital at sa mga pasyente. Naalaala niya ang asawa ng kaibigan niya, si Helena Krupa, na isang Saksi ni Jehova. Natatandaan niya ang sigasig nito sa Bibliya, kaya kinontak niya ito para tulungan siyang makakuha ng mga Bibliya para sa ospital.

Nakatira sa Warsaw si Sister Helena Krupa, at sinabi niya sa mga elder sa kaniyang kongregasyon ang tungkol sa kahilingan. Naghanda sila ng isang package para sa ospital. Naglalaman ito ng anim na kopya ng nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan at ilang salig-Bibliyang publikasyon. Gumawa rin ng liham ang mga brother na nagpapaliwanag ng mga feature ng Bagong Sanlibutang Salin, lalo na ang paggamit nito sa pangalan ng Diyos, na Jehova.

Ang administrasyon ng ospital ay sumulat sa kongregasyon at nagpapahayag ng kanilang “lubos na pasasalamat sa tulong at paglalaan ng pangangailangan ng iba.” Binanggit din sa liham: “Sa mahirap na panahong ito kung kailan ang lahat ay nag-aalala—sa kanilang buhay, kalusugan, pamilya, mga mahal sa buhay, at trabaho—dama namin ang pagmamalasakit ninyo sa iba . . . Napapatibay kami na patuloy na labanan ang pandemic at harapin ang mga problema sa araw-araw habang nagtatrabaho dahil alam naming hindi kami nag-iisa sa laban na ito.”

Ang liham na ito ng pasasalamat ay nagpapakita na puwede tayong magbigay ng kaaliwan at pag-asa sa pamamagitan ng Bibliya na ibinigay sa atin ni Jehova.—Roma 15:4.