Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 3, 2017
PORTUGAL

Ang Pinakamalalang Wildfire sa Kasaysayan ng Portugal

Ang Pinakamalalang Wildfire sa Kasaysayan ng Portugal

Ang matinding init samahan pa ng malubhang tagtuyot ang dahilan ng pinakamalalang wildfire sa kasaysayan ng Portugal. Isang kabuoang bilang na 64 katao ang namatay noong Hunyo at 45 pa noong Oktubre, na may pinakamataas na bilang na 523 wildfire na naiulat noong kalagitnaan ng Oktubre. Ayon sa European Union’s Emergency Management Service, dahil sa mga wildfire sa taóng ito, halos 520,000 ektarya na ang nasunog—mahigit anim na beses na mas marami kaysa sa taunang average sa bansa na mahigit lang sa 83,000 ektarya.

Ayon sa tanggapang pansangay sa Portugal, isa sa ating kapatid at ang kaniyang apat-na-taóng-gulang na pamangkin ang namatay dahil sa wildfire. Napinsala o natupok nito ang mga bahay ng ilan sa ating mga kapatid, gayundin ang kanilang sakahan at kagamitan, at namatay ang ilan sa kanilang alagang hayop. Ang mga kapatid doon ay abalang-abala na nagtulungan sa paglilinis ng mga napinsala ng wildfire, pag-aalis ng nasunog na mga puno at iba pang kalat.

Isang lokal na Disaster Relief Committee ang isinaayos para maglaan ng praktikal na tulong. Bukod diyan, dalawang miyembro ng Komite ng Sangay sa Portugal ang sumama sa mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder ng kongregasyon doon sa pagdalaw sa mga kapatid natin para patibayin sila.

Nananalangin kami na patuloy na paglaanan ni Jehova ang ating mga kapatid sa Portugal ng maibiging tulong at kaaliwan na kailangan nila para makayanan ang malaking pinsalang dulot ng wildfire.—Awit 71:21.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Portugal: João Pedro Candeias, +351-214-604-339