Pumunta sa nilalaman

Si Sister Yelena Savelyeva

OKTUBRE 28, 2021
RUSSIA

80-Anyos na Retired Teacher—Sinampahan ng Kasong Kriminal Dahil sa Pagsasalita Tungkol sa Bibliya

80-Anyos na Retired Teacher—Sinampahan ng Kasong Kriminal Dahil sa Pagsasalita Tungkol sa Bibliya

UPDATE | Ibinasura ng Korte ng Russia ang Apela ni Sister Yelena Savelyeva

Noong Pebrero 14, 2022, ibinasura ng Tomsk Regional Court ang apela ni Sister Yelena Savelyeva. Hindi niya kailangang makulong ngayon.

Time Line

  1. Nobyembre 17, 2021

    Hinatulan ng Severskiy City Court ng Tomsk Region si Yelena at pinatawan ng apat-na-taóng suspended prison sentence. Dating hiniling ng prosecutor ang multang 500,000 rubles ($7,198 U.S.) para sa 80-anyos na si Yelena

  2. Hulyo 22, 2021

    Sinimulan ang pagdinig ng korte sa kaso

  3. Marso 25, 2021

    Sinampahan ng mga prosecutor ng Russia ng kasong kriminal si Yelena. Akusado siya dahil sa “paghihikayat, pagre-recruit ng isang tao para makibahagi sa gawain ng isang ekstremistang organisasyon” ayon sa Article 282.2 of the Criminal Code of the Russian Federation.

    Ang mga akusasyon ay dahil sa patotoo ng dalawang babae na nakausap ni Yelena tungkol sa Bibliya: isang secret police ng FSB at isang empleado ng Russian National Guard. Ang dalawang ito ay nagpanggap na interesado sila sa Bibliya, pero palihim nilang inirekord ang kanilang mga pag-uusap kay Yelena at ipinadala ang impormasyon tungkol sa kaniya at sa mga kapananampalataya niya sa pulis

Profile

Napapatibay tayo ng determinasyon ni Yelena na manatiling tapat sa kabila ng pag-uusig. Alam natin na nakikita ni Jehova ang lahat ng ‘nagtutulong-tulong para mapanatili ang pananampalataya sa mabuting balita, at hindi natatakot sa kanilang mga kalaban.’—Fil. 1:27, 28.