ENERO 27, 2022
RUSSIA
Alam ng Dalawang Brother na Pinalalakas Sila ni Jehova
Malapit nang ibaba ng KKirsanovskiy District Court ng Tambov Region ang hatol nito sa kaso nina Brother Anton Kuzhelkov at Nikolay Prokhorov. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kanila.
Time Line
Disyembre 21, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal sina Anton at Nikolay dahil sa pag-oorganisa ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon
Disyembre 24, 2020
Hinalughog ng mga imbestigador ang 19 na lugar, kasama na ang bahay ni Anton. Dinala si Anton sa isang lugar na 350 kilometro ang layo mula sa bahay niya para pagtatanungin. Pinagtatanong si Nikolay at pinagbawalang umalis sa lugar na iyon
Disyembre 25, 2020
Hindi pinayagang umuwi ng bahay si Anton at ikinulong sa pretrial detention center
Agosto 30, 2021
Inilipat si Anton sa ibang kulungan
Profile
Alam natin na patuloy na bibigyan ni Jehova ng lakas-loob at suporta ang mahal nating mga kapatid na pinag-uusig.—Kawikaan 1:33.
a Si Brother Kuzhelkov ay kasalukuyang nakakulong sa pretrial detention center. Hindi siya posibleng hingan ng komento.