MAYO 31, 2021
RUSSIA
Apela ng Apat na Saksi, Hindi Tinanggap ng Korte sa Russia
Noong Mayo 28, 2021, hindi tinanggap ng Omsk Regional Court ang apela ni Brother Sergey Polyakov at ng asawa niyang si Anastasia, pati na nina Sister Gaukhar Bektemirova at Dinara Dyusekeyeva. Mananatiling nakakulong si Brother Polyakov, at ipapatupad pa rin ang suspended prison sentence na ipinataw sa tatlong sister.