Pumunta sa nilalaman

MAYO 25, 2021
RUSSIA

Apela ni Brother Roman Baranovskiy at ng Nanay Niyang si Sister Valentina Baranovskaya, Hindi Tinanggap

Apela ni Brother Roman Baranovskiy at ng Nanay Niyang si Sister Valentina Baranovskaya, Hindi Tinanggap

Noong Mayo 24, 2021, hindi tinanggap ng Korte Suprema ng Republic of Khakassia, Russia, ang apela ni Brother Baranovskiy at ng kaniyang 70-taóng-gulang na ina, si Sister Valentina Baranovskaya. Mananatili sila sa kulungan. Nagpasiya din ang korte na dagdagan ang mga pagbabawal sa kanila kapag pinalaya na sila.