Pumunta sa nilalaman

MAYO 13, 2021
RUSSIA

Apela ni Sister Yuliya Kaganovich, Hindi Tinanggap ng Korte sa Russia

Apela ni Sister Yuliya Kaganovich, Hindi Tinanggap ng Korte sa Russia

Noong Mayo 13, 2021, hindi tinanggap ng Court of the Jewish Autonomous Region ang apela ni Sister Yuliya Kaganovich. Sa halip, pinaboran ng korte ang hiling ng prosecutor na baguhin ang unang naging hatol kay Yuliya. Imbes na pagmultahin siya ng 10,000 ruble ($135 U.S.), ginawa itong suspended prison sentence na dalawang taon at anim na buwan. Hindi niya kailangang makulong ngayon.