Pumunta sa nilalaman

ENERO 25, 2021
RUSSIA

Appeal Court ng Russia, Pinagtibay ang Hatol na Not Guilty si Brother Zalipayev

Appeal Court ng Russia, Pinagtibay ang Hatol na Not Guilty si Brother Zalipayev

Noong Enero 25, 2021, ibinasura ng Supreme Court ng Kabardino-Balkarian Republic ang apela ng prosecutor sa hatol kay Brother Yuriy Zalipayev na not guilty noong Oktubre 7, 2020. Puwedeng umapela ang prosecutor sa naging desisyon ng Supreme Court. Sa ngayon, wala nang kasong nakasampa laban kay Yuriy. May karapatan din siyang humingi ng danyos dahil sa maling paratang sa kaniya.

Nagtiwala si Yuriy kay Jehova at malakas ang loob niya kahit alam niya na puwedeng baligtarin ng korte ang desisyong not guilty. Bago ibaba ang hatol, lakas-loob na sinabi ni Yuriy sa korte na malapit nang alisin ng Diyos ang kasamaan, kasama na ang pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova sa Russia. Sinabi niya: “Gaanuman kaplanado ang pag-atake ng mga mang-uusig, kailangan nilang malaman na hindi nila magagawang pahinain ang pananampalataya ko sa pangako ng Diyos na malapit na niyang alisin ang kasamaan sa lupa. Kumbinsido ako na malapit nang makita ng lahat ng tao na magkakapatid tayo kahit na iba-iba ang lahi natin. Wala talagang dahilan para magkaroon ng pagkakabaha-bahagi. Sinasabi ng Bibliya tungkol sa Diyos: ‘Siya ay hahatol sa mga bansa at magtutuwid ng mga bagay-bagay may kinalaman sa maraming bayan. Pupukpukin nila ang kanilang mga espada para gawin itong araro at ang kanilang mga sibat para gawin itong karit. Walang bansa na magtataas ng espada laban sa ibang bansa, at hindi na rin sila mag-aaral ng pakikipagdigma.’—Isaias 2:4.

“Sigurado ako na malapit nang matupad ang pangakong ito!”