Pumunta sa nilalaman

Brother Yevgeniy Spirin at ang asawa niyang si Natalya

OKTUBRE 14, 2020
RUSSIA

Appeals Court ng Russia, Sinuportahan ang Hatol kay Brother Spirin at Pinagmulta Ito

Appeals Court ng Russia, Sinuportahan ang Hatol kay Brother Spirin at Pinagmulta Ito

Noong Oktubre 14, 2020, sinuportahan ng Ivanovo Regional Court ang naunang hatol kay Brother Yevgeniy Spirin noong Hulyo 2020 at pinagmulta ito. Hindi pumayag ang regional appeals court na muling dinggin ang kaso ni Brother Spirin. Malamang na iapela ng prosecutor ang desisyon kay Brother Spirin kasi gusto nila na makulong siya nang pitong taon gaya ng una nilang hatol.