Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 26, 2021
RUSSIA

Appellate Court sa Russia, Binawasan ang Sentensiya Kina Brother at Sister Rayman

Appellate Court sa Russia, Binawasan ang Sentensiya Kina Brother at Sister Rayman

Noong Pebrero 26, 2021, pinagtibay ng Kostroma Regional Court ang naging hatol noong Oktubre 2020 kay Brother Sergey Rayman at sa asawa niyang si Valeriya. Pero binawasan ng korte ang sentensiya sa kanila. Ang suspended prison sentence ni Sergey ay ginawang tatlong taon mula sa walong taon, at kay Valeriya naman ay ginawang dalawang taon mula sa pitong taon. Hindi nila kailangang makulong ngayon.