Pumunta sa nilalaman

ENERO 29, 2021
RUSSIA

Appellate Court sa Russia, Pinagtibay ang Naging Hatol sa Anim na Saksi

Appellate Court sa Russia, Pinagtibay ang Naging Hatol sa Anim na Saksi

Noong Enero 29, 2021, pinagtibay ng Ulyanovsk Regional Court ang naging hatol noong Oktubre 2020 kina Brother Aleksandr Ganin, Khoren Khachikyan, Andrey Tabakov, at Mikhail Zelenskiy, pati na kay Brother Sergey Mysin at sa asawa niyang si Nataliya. Hindi nagbago ang ipinataw na suspended prison sentence sa kanila, maliban kay Sergey. Dinagdagan ng korte ang ipinataw sa kaniya; ginawa itong apat at kalahating taon mula sa apat na taon. Hindi kailangang makulong ngayon ang mga kapatid.