MAYO 17, 2024
RUSSIA
“Bahagi Ako ng Pamilya ni Jehova”
Malapit nang ilabas ng Vyselkovskiy District Court of the Krasnodar Territory ang hatol sa kaso ni Brother Sergey Dvurechenskiy. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kaniya.
Profile
Talagang nakakapagpatibay ang pananampalataya ni Sergey at ng iba pa na nagtitiwala kay Jehova bilang ‘isang kalasag sa lahat ng nanganganlong sa kaniya.’—Awit 18:30.
Time Line
Pebrero 13, 2022
Kasama ang bahay ni Sergey sa 31 bahay na hinalughog ng mga awtoridad sa Vyselki at sa kalapit na mga bayan
Hunyo 15, 2023
Sinampahan ng kasong kriminal
Agosto 10, 2023
Pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Pebrero 8, 2024
Nagsimula ang paglilitis