PEBRERO 20, 2023
RUSSIA
“Basta Kasama Ko si Jehova, Lagi Akong Ligtas”
Noong Pebrero 17, 2023, hinatulan ng Gorno-Altayskiy City Court of the Republic of Altai si Brother Aleksandr Kalistratov at pinatawan ng anim-at-kalahating taóng suspended prison sentence. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.
Profile
Nagtitiwala tayo na patuloy na diringgin ni Jehova ang tapat na mga lingkod niya habang tumatawag sila sa kaniya sa panahon ng kagipitan.—2 Samuel 22:7.
Time Line
2000
Inaresto dahil sa pagtangging maglingkod sa militar. Dinala sa pretrial detention sa loob ng 21 araw. Di-nagtagal, pinawalang-sala siya
2010
Inakusahan ng ekstremismo. Dalawang beses na sinuri ang kaso niya. Ipinadala sa Supreme Court ng Altai Republic ang kaso niya, kung saan pinawalang sala ang lahat ng paratang sa kaniya
Disyembre 16, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal
Enero 16, 2022
Hinalughog ng mga pulis ang limang bahay ng mga Saksi ni Jehova sa Republic of Altai. Puwersahang pinasok ng mga pulis ang bahay ng mga Kalistratov at kinuha si Aleksandr para pagtatanungin. Pinalaya rin siya kinagabihan at pinagbawalang magbiyahe
Agosto 25, 2022
Nagsimula ang paglilitis