PEBRERO 10, 2021
RUSSIA
Brother Aleksandr Ivshin, Pinatawan ng Pinakamahabang Sentensiya Mula Nang Ipagbawal ang Organisasyon Noong 2017
Noong Pebrero 10, 2021, sinentensiyahan ng Abinskiy District Court ng Krasnodar Territory sa Russia ng pito’t-kalahating-taóng pagkabilanggo ang 63-taóng-gulang na si Brother Aleksandr Ivshin. Ito ang pinakamahabang sentensiya na ipinataw sa isang Saksi ni Jehova mula nang ipagbawal ang organisasyon noong 2017.
Sinampahan si Brother Ivshin ng kasong kriminal noong Abril 23, 2020. Sinasabing “krimen” ang pagkanta niya ng mga Kingdom song at pag-oorganisa ng mga pulong sa pamamagitan ng videoconference. Sa huling mga sinabi niya sa korte, malinaw niyang ipinakita na ang mga paniniwala niya ay nakabatay sa Kasulatan, at sinabi niya: “Kagalang-galang na Hukom, namumuhay ako ayon sa mga prinsipyo sa Bibliya, at walang anumang bahid ng pagiging ekstremista o galit ang mga prinsipyong ito.”