Pumunta sa nilalaman

Si Brother Aleksey Budenchuk kasama ang mga anak niyang sina Yegor at Sofiya at ang kaniyang asawang si Tatyana

HULYO 7, 2021
RUSSIA

Brother Aleksey Budenchuk, Pinalaya Mula sa Bilangguan sa Russia

Brother Aleksey Budenchuk, Pinalaya Mula sa Bilangguan sa Russia

Noong Hulyo 6, 2021, pinalaya si Brother Aleksey Budenchuk mula sa isang bilangguan sa lunsod ng Orenburg dahil natapos na niya ang kaniyang sentensiya. Isa siya sa anim na brother mula sa lunsod ng Saratov na nakulong noong Setyembre 2019. Tatlo pa ang nasa kulungan sa ngayon. Ang pamilya at mga kaibigan ni Aleksey ay nagbiyahe nang mahigit 800 kilometro para salubungin siya paglaya niya. Uuwi na siya ngayon sa Saratov kasama ang pamilya niya.