Pumunta sa nilalaman

Si Brother Anatoliy Tokarev sa labas ng korte noong Agosto 2020

OKTUBRE 23, 2020
RUSSIA

Brother Anatoliy Tokarev, Pinagmumulta ng Korte sa Russia

Brother Anatoliy Tokarev, Pinagmumulta ng Korte sa Russia

UPDATE | Court of Cassation sa Russia, Ibinasura ang Apela

Noong Nobyembre 30, 2021, ibinasura ng Sixth General Jurisdiction Court of Cassation ang apela ni Brother Anatoliy Tokarev. Ipapataw na ngayon ang multa.

Noong Oktubre 23, 2020, hinatulan ng Oktyabrsky District Court ng Kirov si Brother Anatoliy Tokarev at pinagmumulta ng 500,000 ruble ($6,552 U.S.). May 10 araw siya para magsumite ng apela.

Sa huling mga salita ni Brother Tokarev sa korte, lakas-loob niyang sinabi: “Sa kriminal na kasong ito, parang sinasabi sa akin ng mga opisyal: ‘Itatakwil mo ang pananampalataya mo, o . . . paparusahan ka.’ . . . Your Honor, gaya po ng sabi ko no’ng unang araw ng pagdinig sa akin, at inuulit ko ngayon, hindi ko itatakwil ang pananampalataya ko sa Diyos. . . . Siyempre, puwede akong makulong o mamatay pa nga, gaya ng puwedeng mangyari sa sinumang Saksi ni Jehova. Takot ang maidudulot nito at puwede akong tawaging ekstremista—isang di-makatuwirang kasiraan sa pangalan ko. Pero, your Honor, hindi ko po iiwan ang Diyos at hindi ko hahayaang mawala ang pag-ibig niya sa akin.”