Pumunta sa nilalaman

Si Brother Anatoliy Tokarev kasama ang anak niyang lalaki na si Andrey, ang asawa niyang si Margarita, at ang anak niyang babae na si Yekaterina

OKTUBRE 8, 2020
RUSSIA

Brother Anatoliy Tokarev, Posibleng Mabilanggo Nang Tatlo at Kalahating Taon sa Russia

Brother Anatoliy Tokarev, Posibleng Mabilanggo Nang Tatlo at Kalahating Taon sa Russia

Iskedyul ng Paghatol

Sa Oktubre 23, 2020, * ibababa ng Oktyabrsky District Court ng Kirov ang hatol nito kay Brother Anatoliy Tokarev. Posible siyang mabilanggo nang tatlo at kalahating taon.

Profile

Anatoliy Tokarev

  • Ipinanganak: 1958 (Baranovskaya, Kirov Region)

  • Maikling Impormasyon: Pinalaki ng nanay niya. Dating software engineer. Mahilig sa photography at mag-chess at tumugtog ng accordion. Noong 1979, napangasawa niya si Margarita. May dalawa silang anak

  • Dahil sa pag-aaral niya ng siyensiya, naging ateista siya. Noong 27 siya, nakipag-aral siya ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova at na-realize niya na hindi magkasalungat ang turo ng Bibliya at ng siyensiya

Kaso

Noong Mayo 24, 2019, ni-raid ng Center for Countering Extremism ng Russia ang apartment ng mag-asawang Tokarev. Inimbestigahan nila si Brother Tokarev. Pinagbantaan ng mga pulis si Brother Tokarev na kapag hindi niya inamin na “ekstremista” siya, madadamay ang pamilya niya. Dinala si Brother Tokarev sa department of investigation para pagtatanungin.

Pagkalipas ng limang buwan, kinasuhan si Brother Tokarev ng paglabag sa dalawang artikulo ng Criminal Code of the Russian Federation. Inakusahan siyang nagbibigay ng pondo sa isang “ekstremistang” organisasyon. May mga audio recording ang prosecutor mula sa apartment ni Brother Tokarev na nagsasabi raw na nag-organisa siya ng pulong para pag-aralan ang ipinagbabawal na “ekstremistang” literatura.

Ipinapanalangin natin si Brother Tokarev at ang pamilya niya. Nagtitiwala tayo na patuloy na “magiging tapat” si Jehova sa kanila.—Awit 18:25.

^ Posible pang magbago