Pumunta sa nilalaman

Si Brother Andrey Danielyan at ang asawa niyang si Nina

NOBYEMBRE 9, 2022
RUSSIA

Brother Andrey Danielyan, Nahatulang Makulong Nang Anim na Taon

Brother Andrey Danielyan, Nahatulang Makulong Nang Anim na Taon

Noong Nobyembre 7, 2022, hinatulan ng Rubtsovskiy City Court of the Altai Territory si Brother Andrey Danielyan at sinentensiyahang makulong nang anim na taon. Agad siyang ikinulong.

Time Line

  1. Mayo 25, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal pagkatapos manmanan sa loob ng ilang buwan si Andrey

  2. Mayo 26, 2021

    Hinalughog ang apartment nila. Inilagay si Andrey at ang asawa niya sa detention center at pinagtatanong. Pinagbawalang magbiyahe si Andrey

  3. Hulyo 13, 2022

    Opisyal na inakusahan ng pag-oorganisa sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon

  4. Setyembre 5, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

  5. Nobyembre 7, 2022

    Sinentensiyahang makulong nang anim na taon

Profile

Nagpapasalamat tayo sa magandang halimbawa ni Andrey at ng iba pang kapatid na determinadong maglinang ng makadiyos na debosyon habang hinihintay nating lahat ‘ang pangako na buhay sa hinaharap.’—1 Timoteo 4:8.

a Ang mga komento ni Brother Danielyan ay ibinigay bago siya masentensiyahan.