Pumunta sa nilalaman

Si Brother Andrey Okhrimchuk

AGOSTO 3, 2021
RUSSIA

Brother Andrey Okhrimchuk, Nagtitiwalang Palalakasin Siya ni Jehova

Brother Andrey Okhrimchuk, Nagtitiwalang Palalakasin Siya ni Jehova

UPDATE | Noong Pebrero 3, 2022, ibinasura ng Fourth General Jurisdiction Court of Cassation ang reklamo ni Brother Andrey Okhrimchuk. Mananatili ang hatol sa kaniya na apat-na-taóng suspended sentence. Hindi siya kailangang mabilanggo sa ngayon.

Time Line

  1. Mayo 22, 2019

    Maagang dumating ang mga pulis na nakatakip ang mukha at hinalughog ang bahay at sasakyan ni Andrey

  2. Oktubre 29, 2020

    Sinampahan siya ng kasong kriminal. Naakusahan siya ng pakikibahagi sa ilegal na relihiyosong pulong at pagsuporta sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon

  3. Abril 5, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

  4. Agosto 2, 2021

    Hinatulan ng Leninskiy District Court ng Rostov-on-Don na nagkasala si Brother Andrey Okhrimchuk. Sinentensiyahan siya ng korte ng apat-na-taóng suspended prison sentence

  5. Oktubre 4, 2021

    Hindi tinanggap ng Rostov Regional Court ang apela ni Andrey. Mananatili ang orihinal na sentensiya sa kaniya. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon

Profile

Magandang halimbawa para sa atin ang matibay na pananampalataya ng mga kapatid natin sa Russia. Alam natin na matitiis ni Andrey at ng kaniyang pamilya ang pagsubok na ito dahil patuloy silang nagtitiwala sa ating Ama sa langit, si Jehova.​—Awit 37:5.