MAYO 7, 2024
RUSSIA
Brother Anton Virich—Sinentensiyahang Mabilanggo Nang Anim na Taon at Dalawang Buwan
Noong Abril 25, 2024, hinatulan ng Pozharskiy District Court of the Primorye Territory si Brother Anton Virich at sinentensiyahang makulong nang anim na taon at dalawang buwan. Nakakulong na siya noon pang Hulyo 11, 2023, at mananatiling nakakulong.
Profile
Nakakapagpatibay malaman na kapag nagtitiis tayo ng mga pagsubok dahil sa pag-ibig natin kay Jehova, napapasaya natin siya at pinagpapala niya tayo.—Santiago 1:12.
Time Line
Pebrero 11, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal
Nobyembre 9, 2021
Hindi alam ni Anton na sinampahan siya ng kasong kriminal at hindi na siya puwedeng umalis ng lugar nila
Hulyo 11, 2023
Habang nagmamaneho si Anton sa lunsod ng Uzhur, pinahinto siya ng mga pulis at sinabing isa siyang takas kaya inaresto nila siya. Dinala siya sa isang temporary detention center
Hulyo 15, 2023
Inilipat siya sa isang pretrial detention center sakay ng eroplano papunta sa Luchegorsk, na mahigit 4,700 kilometro ang layo
Nobyembre 7, 2023
Nagsimula ang paglilitis
Abril 25, 2024
Nahatulan at nasentensiyahang mabilanggo nang anim na taon at dalawang buwan