Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 3, 2021
RUSSIA

Brother Artur Lokhvitskiy, Pinatawan ng Suspended Sentence ng Korte sa Russia

Brother Artur Lokhvitskiy, Pinatawan ng Suspended Sentence ng Korte sa Russia

Noong Pebrero 2, 2021, hinatulang guilty ng Birobidzhan District Court ng Jewish Autonomous Region ang 35-taóng-gulang na si Artur Lokhvitskiy. Pinatawan siya ng dalawa’t-kalahating-taóng suspended prison sentence na may tatlong-taóng probation. Hindi niya kailangang makulong ngayon.

Ito ang huling sinabi ni Artur sa korte: “Napakalaking karangalan na maging bahagi ng pagdinig na ito, anuman ang maging resulta nito. Nasaksihan ko ulit ang katuparan ng mga sinabi ni Jesu-Kristo. Mababasa iyon sa Bibliya sa aklat ng Marcos kabanata 13, talata 9 at 10: ‘Maging handa kayo. Dadalhin nila kayo sa mga hukuman, . . . at makapagpapatotoo kayo sa kanila. Gayundin, kailangan munang ipangaral ang mabuting balita sa lahat ng bansa.’ . . . Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ko sa iba ang tungkol sa layunin ng Diyos. Pribilehiyo ko na sabihin ito sa inyo, Your Honor.”