AGOSTO 20, 2020
RUSSIA
Brother Britvin at Levchuk, Puwedeng Mahatulan ng Anim-at-Kalahating-Taóng Pagkabilanggo sa Russia
Iskedyul ng Paghatol
Setyembre 2, 2020, * Berezovsky City Court ng Kemerovo Region
Posibleng Sentensiya
Anim at kalahating taon sa bilangguan
Profile
Sergey Britvin
Ipinanganak: 1965 (Kemerovo Region)
Maikling Impormasyon: Crane operator at driver ng truck sa loob ng maraming taon. Maagang nagretiro dahil sa mahinang kalusugan. Mahilig sa sports
Noong 1992, pinakasalan si Natalya. Nag-aral ng Bibliya noong 1995 matapos marinig ang pangako ng Diyos tungkol sa pagkabuhay-muli. Pagkaraan ng ilang taon, nag-aral na rin ng Bibliya si Natalya. Humanga siya sa pananampalataya ni Sergey at sa mga pagbabagong ginawa nito sa buhay
Vadim Levchuk
Ipinanganak: 1972 (Kemerovo Region)
Maikling Impormasyon: Lumaki sa isang pamilya na hindi relihiyoso. Minero sa loob ng 14 na taon
Noong 1992, nag-aral siya ng Bibliya. Pinakasalan si Tatiana noong 1997. May dalawang anak na lalaki. Naniniwala sa Bibliya ang buong pamilya. Mahilig din sila sa sports at iba’t ibang libangan
Kaso
Noong Hulyo 22, 2018, ni-raid ng mga agent ng Federal Security Service (FSB) ang walong bahay ng mga kapatid sa lunsod ng Berezovsky. Idinitine at pinagtatanong sina Brother Britvin at Levchuk. Pagkatapos, ipinakulong ng Central District Court ng Kemerovo ang dalawang brother bago pa man sila litisin. Halos isa’t kalahating taon din silang nakabilanggo. Mula noong Disyembre 25, 2019 hanggang ngayon, naka-house arrest sila.
Kasama sina Brother Britvin at Levchuk sa limang brother sa Kemerovo Region na sinampahan ng kasong kriminal dahil sa kanilang pananampalataya. Ipinapanalangin natin ang lahat ng kapatid na nakabilanggo sa Russia. Gaya ng sinasabi sa Hebreo 13:3: “Lagi ninyong alalahanin ang mga nasa bilangguan, na para bang nakabilanggo kayong kasama nila, at ang mga pinagmamalupitan, dahil kayo rin mismo ay nasa isang katawan pa.”
^ Posible pang magbago