PEBRERO 10, 2021
RUSSIA
Brother Dennis Christensen, Hindi Inaprobahan ang Parole
Noong Pebrero 10, 2021, hindi inaprobahan ng Kursk Regional Court ang hiling na parole ni Brother Dennis Christensen. Nakiusap siya na magpiyansa para sa natitirang panahon sa sentensiya niya. Mahigit isang taon nang kuwalipikado si Dennis para sa parole, pero laging hindi inaaprobahan ang parole niya.
Nito lang, sumulat si Dennis sa asawa niyang si Irina. Sa sulat, binanggit niya ang isa sa paborito niyang teksto: “Kaya huwag tayong tumigil sa paggawa ng mabuti, dahil mag-aani tayo sa takdang panahon kung hindi tayo titigil.” (Galacia 6:9) Sinabi niya na sigurado siyang pagpapalain sila ni Jehova kung patuloy silang gagawa ng mabuti, tutulong sa iba, at hindi susuko. Sinabi rin niya na gusto niya na kapag nakalaya na siya, mas matibay ang pananampalataya niya kaysa noong mabilanggo siya.
Mag-aapat na taon na mula nang mabilanggo si Dennis at mapawalay kay Irina noong Mayo 2017. Magandang halimbawa sina Dennis at Irina para sa atin dahil sa kanilang tiwala kay Jehova, kapayapaan ng isip, katatagan, at katapatan.—Filipos 1:14.