HULYO 11, 2020
RUSSIA
Brother Dennis Christensen, Wala Na sa Special Punishment na Selda
Noong Hulyo 11, 2020, inilipat ng mga opisyal sa Lgov si Brother Dennis Christensen sa general prison mula sa special punishment na selda. Ibinilanggo siya doon nang 15 araw. Gaya ng naunang report, ibinilanggo siya doon dahil sa maling mga paratang. Ngayon, nasa general prison na siya. Pero nananatili siyang panatag. Naghahanda na ang mga abogado ni Brother Christensen para iapela ang mga bagong ikinaso sa kaniya, at umaasang hindi maaapektuhan ang hiling niya na maagang mapalaya.