MARSO 18, 2021
RUSSIA
Brother Dmitriy Maslov, Puwedeng Mabilanggo Dahil sa Pakikipag-usap Tungkol sa Bibliya
UPDATE | Hindi Tinanggap ng Korte sa Russia ang Apela
Noong Oktubre 5, 2021, hindi tinanggap ng Krasnoyarsk Territory Court ang apela ni Dmitriy. Hindi nabago ang orihinal na multa sa kaniya.
Noong Hunyo 2, 2021, hinatulang nagkasala ng Minusinsk City Court ng Krasnoyarsk Territory si Brother Dmitriy Maslov. Pinagmumulta siya ng 450,000 ruble ($6,125 U.S.).
Profile
Dmitriy Maslov
Ipinanganak: 1976 (Minusinsk)
Maikling Impormasyon: Siya at ang nakakabata niyang mga kapatid ay pinalaking mag-isa ng nanay nila. Nagtapos ng beekeeping sa isang vocational school. Nagtatrabaho ngayon bilang tubero. Mahilig magbisikleta, scuba diving, at tumugtog ng accordion
Mula pagkabata, may mga seryosong tanong na siya sa buhay. Nakumbinsi siya sa malinaw na mga sagot ng Bibliya. Nabautismuhan noong 1994. Noong ipinatawag para magsundalo, tumanggi siya dahil sa konsensiya at humiling ng alternatibong serbisyong pansibilyan. Ikinasal kay Yuliya noong 1997
Kaso
Noong gabi ng Abril 19, 2019, ni-raid ng mga sundalo at tauhan ng Investigative Committee at ng Federal Security Service (FSB) ang mga bahay ng limang pamilya ng mga Saksi ni Jehova sa Minusinsk. Isang brother na 76 na taóng gulang ang isinubsob at nasugatan habang nagaganap ang raid. Mahigit 30 kapatid ang pansamantalang ikinulong at pinagtatanong, pero pinalaya rin. Sinampahan ng kasong kriminal si Dmitriy. Ang pangunahing “paglabag” niya ay ang pag-oorganisa ng hiking kasama ang mga kaibigan niya, kung saan pinag-usapan nila ang tungkol sa Bibliya.
Sa ngayon, pinagbawalan si Dmitriy na umalis sa lugar nila habang hinihintay ang desisyon ng korte. Ang nanay niya na hindi Saksi ay naniniwalang hindi makatarungan ang akusasyon sa kaniya at hindi siya dapat ituring na kriminal. Kumbinsido ito na ang relihiyon ni Dmitriy “ang pinakamapayapang relihiyon.”
Alam ni Dmitriy na si Jehova ay ‘nagpapakita ng lakas’ sa mga tapat sa Kaniya at ito ang nagpapatibay at nagpapalakas ng loob niya.—2 Cronica 16:9.